Wednesday, November 06, 2013

Ang Aking Kinatatakutan

Ang Aking Kinatatakutan

Apat hanggang limang sentimetro ang haba.
Kulay tsokolate at may pakpak na mahaba.
May antena sa ulo at may anim na paa.
Isang uri ng insekto na nabubuhay sa lupa.

Maliit ka man sa aking paningin.
Alam kong wala kang intensyon na ako’y takutin.
Ngunit hindi ko kayang ika’y iwasan.
Ako’y napapatili pag ika’y namamasdan.

Ipis! Ang sigaw na aking nabibitiw.
Sa lakas ng sigaw ko ay tila ako’y isang baliw.
Kumaripas man akong tumakbo palayo sa’yo.
Pakiramdam ko ay nahahabol mo pa rin ako.

Natatawa na lang ako sa aking reaksyon.
Bakit takot pa rin ako sa’yo hanggang ngayon?
At kahit labis ang aking takot sa’yo.
Hinding hindi kita sasaktan pangako sa’yo.

No comments: